IPINAKIKILALA ANG B1 GANG ! ! ! !
Para silang pinaghalong tubig at langis. Ang athletic na si GINO ay mahilig sa mga outdoor sports na tulad ng camping at mountain trekking; ang matabang Tsinoy na si BOGING ay isang computer wiz kid; ang fashion-conscious na si KIKO ay hindi lamang sa musika mahilig kundi sa natural sciences din. At ang kaisa-isang dalagitang si JO ay hindi magpapatalo kahit kanino sa tatlong binatilyo.
Dahil kapag nagsama ang apat na high school teenagers ay kilala sila bilang B1 GANG. Magkakaiba ang hilig ngunit nagkakaisa kapag pagsagupa sa misteryo at adventures ang pag-uusapan. Kahit pa gaano kapanganib at kahit saan pang sulok ng Pilipinas ito nagaganap!
Tulad ngayon. Hahataw na naman ang barkada.
O, ano pa ang hinihintay mo?
Tara na!
Sama na!
| Back |