Case File No.10:
Aswang sa Hatinggabi

Niluray ng aswang? Anim na kambing ni Lolo Hugo ang sa isang iglap ay nilapa ng aswang! Iyan ang nakakagitlang balita na natanggap ng B1 Gang mula sa lalawigan ng Zambales. Sa makabagong panahon ng computers at cyberspace, tila nakapagtataka na patuloy pa rin ang mga balita tungkol sa aswang. Totoo nga bang may aswang? Kung hindi nama’y anong uri ng nilalang ang lumuray sa mga kambing at kainin pati ang laman-loob ng mga iyon? At paano mapapatunayan nina Gino, Jo, Kiko at Boging na kathang-isip lamang ang mga aswang gayong sila man ay nakasaksi sa mahiwagang pangyayari? E, ikaw? Naniniwala ka ba sa aswang?

| Back |

©1996 B1 Gang. For Any Inquiries, Write To b1gang@yahoo.com