Case File No.5:
Rebulto sa Bahay na Bato

Rebultong naglalakad? Iyan ang nakakagulat na pahayag ng lola nina Gino at Jo. Mahiwaga raw ang malaking rebulto ng Igorot na nasa lumang bahay na nabili ng mga ito sa Sta.Cruz, Laguna. Ayaw na tuloy tumuntong ng lola nila sa bahay na bato dahil sa takot kahit pa gustung-gusto ng matanda ang lumang bahay. Hindi lang iyon, kapag sumasapit ang gabi, may maririnig pa raw na makapanindig balahibong halakhak sa loob ng bahay na bato! Haunted house nga kaya ang lumang bahay? Hahayaan na lang ba ng B1 Gang na isuko ni Lola Concha ang bahay na bato nang walang kalaban-laban? Pero paano nila mapapatunayan na walang dapat ikatakot ang matanda kung sila man ay hindi nakakasiguro na wala ngang kababalaghang nagaganap sa loob ng bahay na bato?

| Back |

©1996 B1 Gang. For Any Inquiries, Write To b1gang@yahoo.com