![]() |
![]() |
![]() |
Case File No.6: Mga nawawalang bangkay? Sariwang simoy ng hangin. Malamig na klima. Makapal na puno ng mga pine trees na bumabalot sa bulubunduking kapaligiran. Ano pa ba ang mahihiling nina Gino, Jo, Kiko at Boging sa pinuntahan nilang bayan ng Sagada sa Mt. Province? Pakiramdam nila’y nasa paraiso sila. Ngunit sa paraiso man ay may ahas din! Sa kabila ng kaakit-akit na kapaligiran ay natuklasan ng apat na may lumalapastangan sa mga matagal nang yumao. Nakakakilabot mang isipin ngunit totoo. Isang grupo ng mga ganid ang nagnanakaw sa mga ataol at bangkay ng mga Igorot na nakalibing sa kuweba upang ibenta sa mga kolektor! Paano sila mapipigilan at masusukol ng B1 Gang? |
©1996 B1 Gang. For Any Inquiries, Write To b1gang@yahoo.com