![]() |
![]() |
![]() |
Eto na ang kuwento nina BOGING, KIKO at ang magkapatid na GINO at JO bago pa sila nagkakilala. Dito nila isinalaysay ang kanilang karanasan na nagbigay-daan upang matuklasan nila ang hilig sa pag-iimbestiga. Samahan n'yo sina Gino at Jo na lutasin ang makapanindig-balahibong kaso ng mga dalagitang dinukot ng engkantong itim sa Cavite. Tulungan ninyo si Boging na hanapin ang utak ng Tikbalang Virus na nagbabantang ipahiya siya. At huwag na huwag n'yong iwanan si Kiko sa kanyang pakikipaglaban sa invisible force na pumapatay sa Enchanted Lake sa Laguna! |
©2003 B1 Gang. For Any Inquiries, Write To b1gang@yahoo.com