| Category | Poetry | |
| Filipino | ||
| Publisher | Anvil Publishing | |
| Author | Virgilio S. Almario | |
| Pages | ||
| Dimension | 770g | |
| Copyright | ||
| Price | US$ 110.95 | |
| Bookpaper ISBN9712717801 | ||
Ang aklat na ito ay isang koleksyon ng mga pagbasa ni Almario sa ibat ibang piraso ng tula, mula sa mga halimbawa ng sinaunang tula hanggang sa mga tula ng makata sa kasalukuyan, ngunit sa paraang pinag-uugnay ang mga tula bilang bahagi ng naging daloy at pagsulong ng kasaysayang pampanulaan ng Filipinas.
Bawat tulang binasa ni Almario ay matalik na bahagi ng kaniyang pagtanaw sa kasaysayan at nagpapaliwanag sa naging katangian ng pagtula sa pana-panahon.
Sa ganitong paraan, naituturo ng pagbasa ni Almario ang batayang mga katangian ng ating pagtula bago dumating ang kolonyalismong Kanluranin, ang mga pagbabagong idinulot ng mga pananakop na Espanyol at Amerikano, ang nabuong daloy ng tradisyon, at ang mga kabaguhan at eksprimentong nagaganap sa kasalukuyan.
Taglay ng pagbasa ni Almario ang natatangi at nag-iisa ngayong paraan ng pagsusuri sa panitikan ng Filipinas alinsunod sa matalik na pagkilala sa sariling mga anyot sangkap at sariling kasaysayan ng panitikang Filipino kaugnay ng kasaysayan ng lipunang Filipino.
Idudulot ng kaniyang pagbasa ang isang bagong pagpapahalaga sa ating panitikan, isang bagong pagpapahalaga na mahirap itakwil ng sinumang guro, iskolar, at makata na nagmamahal sa ating panitikang pambansa.
Quick Jump:
by Author
by Publisher
by Category
Still can't find the book you want?
If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order.
If it exists, we will find it!

