| Category | Novel | |
| History | ||
| Publisher | Anvil Publishing | |
| Author | Virgilio Almario | |
| Pages | ||
| Dimension | 350g | |
| Copyright | ||
| Price | US$ 17.95 | |
| Newsprint ISBN9719201886 | ||
Natapos sulatin ni Jose Rizal and Noli Me Tangere noong Pebrero 21, 1887 sa Berlin at lumabas sa limbagan pagkaraan nang mahigit isang buwan.
Noong Agosto 30 sa taon ding iyon, ipinagbawal sa Filipinas ang pag-aari at pagbasa sa naturang nobela, alinsunod sa atas ng Arsobispo ng Maynila.
Kinumpirma ng lupon sa sensura ang pagbabawal dahil tahasan itong tumutuligsa, diumano, sa relihiyon ng estado, mga institusyon at mga kagalang-galang na tao sa Filipinas sa panahon ng kolonyalismong Espanyol bukod sa hitik ito sa mga kaisipang banyaga na maaring pumukaw ng poot laban sa Espanyol.
Hindi makatarungan ang pagbabawal. Ngunit tama ang mga autoridad dahil kasama ng karugtong na nobelang El Filibusterismo ay pinatunayan ng kasaysayan ang bisa ng panulat ni Rizal sa pagkamulat ng mga Filipino.
Makalipas ng ilang taon, sumiklab ang Himagsikang Filipino na tumapos sa mahabang pananakop ng mga Espanyol.
Dinadakila ngayon ang mga nobela ni Rizal bilang matalim na pagsusuri sa lipunang kolonyal at feudal at bilang huwaran ng malikhain at realistang pagsulat nang may kalakip na mithiing pampolitika.
Quick Jump:
by Author
by Publisher
by Category
Still can't find the book you want?
If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order.
If it exists, we will find it!

