| Category | Filipino | |
| Novel | ||
| Publisher | Ateneo Press | |
| Author | Gerardo Chanco | |
| Pages | 304 pages. | |
| Dimension | 5 x 7 | |
| Copyright | 2003 | |
| Price | US$ 20.95 | |
| Bookpaper ISBN9715504620 | ||
adapted from La Dame aux Camelias by Alexandre Dumas. Edited and with an introduction by Roberto T. Anonuevo. Isinisiwalat ng nobela ang buhay ni Margarita Gautier, ang babaeng sinrikit at sinrupok ng mga talulot ng kamelya sa paningin ng gaya ni Armando Duval. Si Margarita ang salungatang sagisag ng malayaw o maingat na pamumuhay; ang bingit ng pagpuputa at pagmamahal; ang sukudulan ng siklo ng pagtatagpo, paghihiwalay, paghahanap, at muling pagtatagpo sa buhay ng mga umiibig, nagseselos o napopoot na tauhan. Si Margarita din ang kakatwan sa lipunan at panahon na kaniyang ginagalawan: ang panahon ng labis na pagtitimpi lalo na sa usaping may kinalaman sa sex at relasyong babae-lalaki. Sa mabulaklak na prosa ni Gerardo Chanco, naipamalas ang lahat sa paraang matalik sa mga Tagalog ng kaniyang panahon.
Si Gerardo Chanco ay isinilang noong 23 Abril 1889 sa San Miguel, Lungsod Maynila. Isang nobelista si Chanco ngunit higit siyang makikilala bilang tagasalin. Ilan sa kanyang mga salin ay Ang Hija ng Kardenal (La Hija de Cardenal ni Felix Guzzoni), at Sakit ng Katauhan (Les Miserables ni Victor Hugo). Yumao siya noong 29 Oktubre 1922 sa edad na 33 taon.
Quick Jump:
by Author •
by Publisher •
by Category
Still can't find the book you want?
If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order.
If it exists, we will find it!

