Entablado Klasiko:retrato Ng Artista Bilang Filipino Ni Nick Joaquin

Category | Filipino | |
Novel | ||
Publisher | Ateneo Press | |
Author | Bienvenido Lumbera | |
Pages | 256 pages. | |
Dimension | 5 x 7 | |
Copyright | 2007 | |
Price | US$ 23.95 | |
Bookpaper ISBN9715505215 |
ENTABLADO KLASIKO. Apat na dula at apat na mandudula ang ipinakikilala nito sa mga kabataang mambabasa. Ang mga dula ay binansagan nang dakila ng mga manonood at mambabasa dahil sa kanilang masining na pagpaksa sa mga usaping saanmang dako ng mundo ay bumabagabag sa tao. Ang mga awtor naman ng mga dulang narito ay dinakila na rin sa kanikanilang bayan, at ngayo’y inihahatid sa mga mambabasang Filipino sa wikang kanilang-kanila. Naitanghal na ang mga salin, ngunit limitado lamang ang publikong naaabot ng mga pagtatanghal. Sa anyong nakalimbag umaasa kami na malawak ang publikong maaabot ng mga akda, at mahaba ang panahong itatagal ng mga ito sa kamalayan ng babasa.
RETRATO NG ARTISTA BILANG FILIPINO (1966): Daigdig ng gunita ang ipinamamalas ng entablado ng Retrato ng Artista Bilang Filipino ni Nick Joaquin. Isa itong di-maitatatwang muhon ng teatro sa Filipinas, isang akdang tumipon sa iba’t ibang tipo ng tauhang Filipino na kumatawan sa mariringal na birtud ng lahi at sa mga kakutya-kutyang gawi at ugali ng mga Filipinong lumitaw pagkatapos ng Digmaang Pasipiko. Ginalugad ng malikhaing imahinasyon ni Joaquin ang gunita ng mga Filipinong isinilang at namuhay sa lipunang sumibol sa lilim ng republikang binuwag ng mga mananakop na Amerikano simula noong 1898.
NICK JOAQUIN (1917-2004): Unang nakilala si Nick Joaquin bilang kuwentistang matapat na tagapagsalaysay ng niloloob at pananaw ng henerasyong sumaksi sa nagbabagong kultura ng lipunan bago sumiklab ang Digmaang Pasipiko. Pagkaraan ng digmaan, pinasok niya ang peryodismo at ang kanyang pagsusulat para sa Philippine Free Press ay nagbunga ng mga sanaysay tungkol sa lipunan, kultura at kasaysayan ng mga Filipino. Kaagapay ng A Portrait of the Artist as Filipino ang nobelang The Woman Who Had Two Navels sa nakatitinag na pagsusuri ni Joaquin sa identidad ng mga Filipinong kabilang sa elit ng lipunan. Kinilala siya bilang National Artist for Literature noong 1976 at Ramon Magsaysay Awardee noong 1996. Bukod sa Portrait, ang iba pa niyang dulang Ingles ay an g Tatarin, Fathers and Sons, The Beatas, El Camino Real, at Pinoy Agonistes.
BIENVENIDO LUMBERA (b. 1932): Nangmagkolehiyo siya sa University of Santo Tomas, naakit na sa “World Literature” si Lumbera. Ang pagdako niya sa larangan ng pagsasalin ay karugtong lamang ng kanyang pag-aaral ng panitikang banyaga. Nagpakadalubhasa siya sa Comparative Literature sa Indiana University (M.A., 1960, Ph.D., 1967) at noon siya nagsimulang pag-aralan ang sining ng pagsasalin. Mga tula ni T.S. Eliot ang naging lunsaran ng kanyang pagtatangkang magsalin, ang The Love Song of J. Alfred Prufrock at The Waste Land. Nang igawa niya ng adaptasyong pantanghalan ang nobelang America is in the Heart ni Carlos Bulosan, napunta si Lumbera sa pagsasalin para sa entablado. May salin siya ng Los Diktadores at El hambre del sur ni Pablo Neruda at mga awit sa Man of La Mancha nina Dale Wasserman, Mitch Leigh, at Joe Darion. Sa kasalukuyan, Professor Emeritus si Lumbera sa University of the Philippines. Nagtura siya sa Ateneo de Manila, De La Salle, at Santo Tomas. Noong 1993, nagkamit siya ng Magsaysay Award in Journalism, Literature and Creative Communication Arts. Pinarangalan siya bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura noong 2006.
Quick Jump:
by Author •
by Publisher •
by Category
Still can't find the book you want?
If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order.
If it exists, we will find it!