| Category | Literature | |
| Filipino | ||
| Publisher | Ateneo Press | |
| Author | edited by Rolando B. Tolentino and Aristotle J. Atienza | |
| Pages | 273 pages. | |
| Dimension | 6 x 9 | |
| Copyright | 2007 | |
| Price | US$ 23.95 | |
| Bookpaper ISBN9715505222 | ||
Narito sa ANG DAGLING TAGALOG, 1903-1936 ang pagbibigay-pansin sa isang makabuluhan at kinaligtaang anyong pampanitikan sa kasaysayan ng panitikan ng Pilipinas. Kung kadalasan ay dinadaanan at pinapasadahan lamang sa kasaysayang pampanitikan (at itinuturing pang anino ng modernong maikling kuwento), ang kasalukuyang inisyatibo ay pagsusumikap na pansamantalang mapatigil ang aktibong mambabasa ng panitikan sa isang kalipunan ng siyamnaput apat na dagling Tagalog.
Ang dagli ay isang anyong tuluyan na malaganap lalo na sa unang dekada ng kolonyalismong Amerikano sa Pilipinas. Maiikli at minamadali, ang dagli ay maaring magsilbing sintomas hindi lamang ng tradisyon ng anyong tuluyan kundi rin ng sinisimentuhang realiad ng Amerikanong pananakop sa ating bansa. Ito ang matutunghayan ngayon sa kalipunan. Ang aklat na ito ay pagtatangkang bigyan ng kaukulang pagpapahalaga ang isang anyong tuluyan na tuluyan nang nalimot, kundi man nalumot, sa agos ng kasaysayan ng panitikan sa Pilipinas.
Si ROLANDO B. TOLENTINO ay nagtuturo sa University of the Philippines Film Institute, Associate para sa Katha ng Institute for Creative Writing, at Tagapangulo ng CONTEND-UP (Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy-University of the Philippines). Kasalukuyang nagtuturo naman sa Kagawaran ng Filipino sa Ateneo de Manila University, at nagtatapos ng M.A. Araling Pilipino sa University of the Philippines-Diliman si ARISTOTLE J. ATIENZA.
Quick Jump:
by Author
by Publisher
by Category
Still can't find the book you want?
If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order.
If it exists, we will find it!

