The World's Tagalog Movies and Filipino Music Store


  •  by Author
  •  by Publisher
  •  by Category

We accept Visa, Mastercard, American Express, JCB and Discover credit cards

Entablado Klasiko: Kasal Sa Dugo Ni Federico Garcia Lorca
Entablado Klasiko: Kasal Sa Dugo Ni Federico Garcia Lorca
Category Filipino
 Literature
 Translation
Publisher Ateneo Press
Author Bienvenido Lumbera
Pages 129 pages.
Dimension 5 x 7
Copyright 2007
Price US$ 12.95
 Bookpaper ISBN9715505291

ENTABLADO KLASIKO. Apat na dula at apat na mandudula ang ipinakikilala nito sa mga kabataang mambabasa. Ang mga dula ay binansagan nang dakila ng mga manonood at mambabasa dahil sa kanilang masining na pagpaksa sa mga usaping saanmang dako ng mundo ay bumabagabag sa tao. Ang mga awtor naman ng mga dulang narito ay dinakila na rin sa kanikanilang bayan, at ngayo’y inihahatid sa mga mambabasang Filipino sa wikang kanilang-kanila. Naitanghal na ang mga salin, ngunit limitado lamang ang publikong naaabot ng mga pagtatanghal. Sa anyong nakalimbag umaasa kami na malawak ang publikong maaabot ng mga akda, at mahaba ang panahong itatagal ng mga ito sa kamalayan ng babasa.

KASAL SA DUGO (1933): Ang daigdig sa entablado ng dula ay tagpuan ng katunayan at paghahaka. Iniwan na ni Garcia Lorca ang mapanuring Realismo upang pasukin ang kulimlim na daigdig ng kalooban ng tao. Doon sa daigdig na iyon, nagsasalimbayan ang sala-salabat na salik ng tradisyon, kultura, sikolohiya, at silakbo ng di-mapangatwirang mga damdamin at diwa. Sa entablado ng Kasal sa Dugo, ang mga panloob na danas ay pinararaan sa awit, patulang dialogo, at simbolikong bihis, kagamitan, pag-iilaw at tagpuan. Ibinunga ang ganito ng pagsapit sa teatro ng teorya ng Ekspresyonismo. Umayaw si Garcia Lorca na pakulong sa mga palarindingan ng Realismo at nangahas siyang arukin ang sikolohiya ng indibidwal at lipunan, subalit sa pagpasok niya sa kalooban ng tao, hindi niya iniwan ang realidad ng kultura ng kanyang Andalucia.

FEDERICO GARCIA LORCA (1898-1936): Ang kultura ng mga Espanyol nang panahong sumikat ang pangalan ni Federico Garcia Lorca bilang makat at mandudula ay muling nakapukaw ng pansin ng mga kritiko sa labas ng Espanya. Sumilang siya sa probinsiya ng Andalucia at ang poklor ng mga hitano ay binigyan ng makata ng makabagong kulay at sigla sa kanyang koleksyong pinamagatang Romancero gitano (1928). Sa mga dulang Bodas de sangre, Yerma at La casa de Bernarda Alba, matingkad ang papel ng kultura ng Andalucia sa paglalatag ng trahedya ng mga pang unahing tauhang babae. Ang kanyang modernistang oryentasyon bilang manlilika sa makalumang lipunang Espanyol noon ay naging mitsa ng pagpaslang sa kanya ng mga Falangista nang sumiklab noong 1936 ang gera sibil sa Espanya.

BIENVENIDO LUMBERA (b. 1932): Nangmagkolehiyo siya sa University of Santo Tomas, naakit na sa “World Literature” si Lumbera. Ang pagdako niya sa larangan ng pagsasalin ay karugtong lamang ng kanyang pag-aaral ng panitikang banyaga. Nagpakadalubhasa siya sa Comparative Literature sa Indiana University (M.A., 1960, Ph.D., 1967) at noon siya nagsimulang pag-aralan ang sining ng pagsasalin. Mga tula ni T.S. Eliot ang naging lunsaran ng kanyang pagtatangkang magsalin, ang The Love Song of J. Alfred Prufrock at The Waste Land. Nang igawa niya ng adaptasyong pantanghalan ang nobelang America is in the Heart ni Carlos Bulosan, napunta si Lumbera sa pagsasalin para sa entablado. May salin siya ng Los Diktadores at El hambre del sur ni Pablo Neruda at mga awit sa Man of La Mancha nina Dale Wasserman, Mitch Leigh, at Joe Darion. Sa kasalukuyan, Professor Emeritus si Lumbera sa University of the Philippines. Nagtura siya sa Ateneo de Manila, De La Salle, at Santo Tomas. Noong 1993, nagkamit siya ng Magsaysay Award in Journalism, Literature and Creative Communication Arts. Pinarangalan siya bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura noong 2006.

( US$ 12.95 Bookpaper )
Shipping

Quick Jump:
by Author   •   by Publisher   •   by Category

Search KC Book Section

Still can't find the book you want? If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order. If it exists, we will find it!
 



  Flag Counter
 

eCensus
Order copies of your Philippine birth certificate, marriage certificate or CENOMAR online!

 

Philippine Cigars Webstore
The finest Philippine blends
La Flor de la Isabela-Tabacalera Cigars:
Highly rated by Smoke magazine.

www.philippinesbestcigars.com

Baguio: The coolest place in the Phils
Baguio Tour

If you havent been to Baguio in the past 5 years, now is the best time to go!

www.haggiyo-mountain-tours.com

Food Delivery Service

Send HOT FOOD to your Family & Friends in the Philippines!
www.e-Kain.com

Travelling To The Philippines?
Asia Travel

Discounted rates online hotel booking
AsiaTravel.com
top up philippine mobile subscribers

 
 

 
 
QUICK INDEX:
Vintage B&W Tagalog Movies   •   Filipino Videos   •   OPM Music   •   Music/Concert Videos   •   Children's Videos
Educational Videos   •   Documentary Videos   •   Livelihood Videos   •   Phil CD-ROMs   •   Karaoke   •   Books   •   Unique Items
Pinoy Food   •   Pinoy T-Shirts   •   La Flor de la Isabela/Tabaqueria Cigars   •   Personal Care   •  
Policies  •   Privacy  •   Safe Shopping Guarantee  •   Cart  •   Check Out  •   Write to Webmaster  •   Contact Details

Online since December 28, 1998
Copyright and disclaimers © 1998- KabayanCentral.com

All rights reserved. The World's Filipino Store