Huling Himagsik
| Category | Literature |
| Publisher | Dela Salle Press |
| Author | B.S. Medina |
| | Jr. |
| Pages | 223 pp. |
| Dimension | 5"x8" |
| Copyright | c1998 |
| Price | US$ 10.95 | | | Bookpaper ISBN9715552730BP |
HULING HIMAGSIK ang alinmang himagsik -- sa sandaling makamit ang layunin niyon. Anuman iyon. Anumang layunin yaon ng tao para sa tao -- sa kapwa higit sa lahat. Anumang layunin yaon. Tao ang huhubog ng kanyang layunin, tao ang huhubog ng himagsik -- laban sa sinuman, ng anuman. Laban din sa tao. Ang kabalintunaan ng talinghagang huling himagsik ay una rin yaon -- una't huli. Gaya ng himagsik ng isang mag-anak, isang angkan rin, isang lahi rin -- himagsik para mapagyaman ang manang hango ng ninuno; ang lupang hinirang. Sa HULING HIMAGSIK ang pakikitunggali ng pamilyang yaon -- isang pamilyang lahing Bonifacio, lahing Bagongbayan din -- ay pakikitunggali rin ng unang Pilipino para sa kalayaang pamana ng mga bayani -- mula 1898 hanggang mga dekada ng pithaya't pighati tuloy sa kasalukuyang aktibismo para sa mga karapatan ng mga ninuno na manatili sa lupang kinagisnan. Si B. S. Medina, Jr., manunulat at propesor ng panitikan, ay tumanggap ng South East Asia Writer (SEAWRITE) Award noong 1994 at iniluklok sa Palanca Hall of Fame noong 1995.
Still can't find the book you want?
If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order.
If it exists, we will find it!
|