| Category | Cookbook | |
| Publisher | Others | |
| Author | Rosario S. Fabian | |
| Pages | ||
| Dimension | 260g | |
| Copyright | ||
| Price | US$ 24.95 | |
| Newsprint ISBN9710868241 | ||
Kapansin-pansin, na marami sa ating mga kababaihan ay nila-LANG sa pagiging Taong-Bahay nila. Sa mga panayam o interview sa TV or sa radio, kapag tinanong kung ano ang hanapbuhay nila, ang isinasagot ay “Wala po, sa bahay lang po” o “Housewife lang ho, taong-bahay.”
HOUSEWIFE LANG? TAONG-BAHAY?
Huwag po. Huwag ninyong nila-lang ang inyong pagiging Housewife…ang pagiging Taong-bahay. Isipin na lamang ninyo, kung wala ang taong-bahay na ito, pagdating ng inyong asawa mula sa trabaho, may madaratnan ba siyang nakahandang pagkain? May maayos at malinis na mahihigaan ba siya para ipahinga ang katawan niya sa maghapong pagtatrabaho? May malinis na damit ba siyang maisusuot sa pagpasok niya sa trabaho, kinabukasan?
Ang lalaki, sa kanyang pagtatrabaho ay may day-off. Ang housewife ba ay may day-off? Nangyayari na ang lahat halos ng mga kasambahay niya ay nakahiga na o nanonood ng TV, samantalang itong tinatawag na housewife lang ay nag-iikot pa sa kusina, nagliligpit o inihahanda ang magiging almusal o baon sa kinabukasan. Hindi lang iyon, naglalaba pa (kung walang labandera o katulong sa bahay).
Ang mag-isip lamang ng maihahandang pagkain sa araw-araw ay di birong trabaho na ng isang housewife o taong-bahay. Lalo’t ang pamilya mo ay may kani-kanyang ayaw at gustong pagkain. Ayaw ni Junior ng isda…Ayaw ni Baby ng gulay…Gusto ni Tatay ay panay na karne…Maraming ayaw at gusto! E, kasya ba naman ang budget para sa mga gusto at ayaw na iyan?
Ngayon, sabihin ninyo…Taong-bahay lang nga ba tayong mga housewife?
Subukan ninyong basahin itong inihanda naming na cookbook. Baka sakaling makatulong sa inyo. Ang karamihan sa mga resiping nakatala dito ay madaling sundan at ang mga sahog ay mabibili kahit sa maliliit na talipapa. Masarap… Matipid… Madaling lutuin!
NBS.
Quick Jump:
by Author •
by Publisher •
by Category
Still can't find the book you want?
If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order.
If it exists, we will find it!

