| Category | Folktales | |
| Filipino | ||
| Publisher | Others | |
| Author | Severino Reyes | |
| Pages | ||
| Dimension | 270g | |
| Copyright | ||
| Price | US$ 17.95 | |
| Newsprint ISBN9716301464 | ||
Si Lola Basyang. Ang makikita ng iyong isip ay isang matandang babaeng nakasuot ng saya, may salamin sa mata, nakaupo sa tumba-tumba at nagkukuwento.
Ang mga batang nakaupo sa paanan niya ay nag-uunahang makinig sa mga kuwento ng kababalaghan, ng makikisig na prinsipe at maririlag na mga prinsesa, ng mga kabayanihan at mga pakikipagsapalaran sa malalayong kaharian.
Pamana ni Severino Reyes ang Mga Kuwento ni Lola Basyang sa mga Filipino, bata man o matanda. Unang nakilala bilang manunulat ng mga dula, isinulat niya ang libretto ng Walang Sugat noong 1902. Siya rin ang nagtatag ng Gran Compania de la Zarzuela Tagala, isang teatrong nagtatanghal sa ibat ibang panig ng bansa.
Noong 1925, nalimbag sa mga pahina ng magasing Liwayway ang isang kuwento ni Lola Basyang. Ang Plautin ni Periking. Ang unang sinulat na ito ni Severino Reyes ang nagsilbing susi na nagbukas sa isang mundo ng hiwaga, ang walang kamatayang daigdig ng mga kuwento ni Lola Basyang.
Buksan ang aklat na ito at makinig kay Lola Basyang habang naglalahad ng mga piling-piling kuwento ng pag-ibig, pakikipagtalastasan, hiwaga, kababalaghan, at engkanto. Labindalawa sa mahigit na 500 kathang-isip ni Severino Reyes ay pinili at isinaayos para sa kasalukuyang mambabasa ni Christine S. Bellen, iginuhit ni Felix Mago Miguel, at muling inialay ng Tahanan Books sa madla.
Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ay isang koleksiyon ng mga kuwento ng pantasya na angkop sa panlasang Pinoy. Mga kuwentong muling binuhay mula sa matagal na pamamahinga upang magbigay-ligaya sa isang bagong henerasyon ng mga mambabasa.
Ilaw ng Tahanan Publishing.
Quick Jump:
by Author
by Publisher
by Category
Still can't find the book you want?
If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order.
If it exists, we will find it!

