The World's Tagalog Movies and Filipino Music Store


  •  by Author
  •  by Publisher
  •  by Category

We accept Visa, Mastercard, American Express, JCB and Discover credit cards

Mga Tip Sa Trabesiya At Kuwentong Sabungan
Mga Tip Sa Trabesiya At Kuwentong Sabungan
Category Filipino
 Cockfighting
Publisher Others
Author Antonio A. Hidalgo
Pages 151 pp
Dimension
Copyright 2001
Price US$ 7.95
  Newsprint ISBN9718280081

Sa kanyang huling libro tungkol sa sabong, ibinabahagi ni Tony Hidalgo ang kanyang kaalaman – at habang-buhay na karanasan – ukol sa trabesiya. Ang trabesiya ang pinakaimportanteng aspeto ng sabong, dahil nakararami ang naglalaro nito. Pero wala pang naisulat hinggil dito. Pinuno na ni Hidalgo itong malaking pagkukulang sa pamamagitan ng kanyang pagsusulat dito tungkol sa mga tuntunin at nakaugalian sa trabesiya – mula sa iba’t-ibang logro sa sabungan at ang kanilang senyas sa pamamagitan ng kamay hanggang sa mga tungkulin ng kristo. Ibinabahagi rin niya sa mga sanay tumaya sa sabong ang kanyang malalim na pag-unawa ng sarisaring estratehiya sa pananaya – mga estratehiyang nababatay sa pagpili ng mananalong panabong, pagtuklas ng mga regla, at pangangasiwa ng kapital.

Kasama rin sa librong ito ang bagong anim na katawa-tawa at puno ng kabalintunaang maiikling kathang pumapalibot sa nasisiraang pangunahing tauhan ni Nestor Divinagracia – ang namumukud-tanging sabungero sa mundo. Karugtong sila ng popular na unang hanay ng anim na istorya ni Nestor sa Cockfighting Secrets, at ang salin nito sa Filipino, Mga Sekreto sa Pagsasabong. Nakapasok na ang mga istoryang ito sa kultura ng sabungan at si Nestor ang katumbas ni Juan Tamad noong sinauna. Mabibilang ang mga istorya ni Nestor sa mga paboritong kathambayan ngayon.

Sa pagsulat ng librong ito’y nabuo na ni Hidalgo ang kanyang hanay ng siyam na aklat ukol sa lahat ng tapyas ng ating pambansang laro ng sabong. Sinimulan niya ito noong 1992 at tinapos pagkaraan ng siyam na taon sa paglimbag ng aklat na ito, na kagaya ng mga naunang libro’y isinulat niya sa kanyang bukud-tanging napakalinaw na estilo upang ipahatid ang kanyang malalim at mapaglikhang pag-iisip.

Si Tony Hidalgo ay nagtatag ng kilalang Magiting Game Farm sa San Miguel, Bulacan. Inilaban niya sa mga derby at hakpayt sa buong bansa ang kanyang bukud-tanging lahi ng panabong nang maraming taon at dose-dosenang beses siya nagkampiyon sa mga derby sa panahong ito.

Published by Milflores Publishing.

( US$ 7.95 Newsprint )
Shipping

Quick Jump:
by Author   •   by Publisher   •   by Category

Search KC Book Section

Still can't find the book you want? If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order. If it exists, we will find it!
 



  Flag Counter
 

eCensus
Order copies of your Philippine birth certificate, marriage certificate or CENOMAR online!

 

Philippine Cigars Webstore
The finest Philippine blends
La Flor de la Isabela-Tabacalera Cigars:
Highly rated by Smoke magazine.

www.philippinesbestcigars.com

Baguio: The coolest place in the Phils
Baguio Tour

If you havent been to Baguio in the past 5 years, now is the best time to go!

www.haggiyo-mountain-tours.com

Food Delivery Service

Send HOT FOOD to your Family & Friends in the Philippines!
www.e-Kain.com

Travelling To The Philippines?
Asia Travel

Discounted rates online hotel booking
AsiaTravel.com
top up philippine mobile subscribers

 
 

 
 
QUICK INDEX:
Vintage B&W Tagalog Movies   •   Filipino Videos   •   OPM Music   •   Music/Concert Videos   •   Children's Videos
Educational Videos   •   Documentary Videos   •   Livelihood Videos   •   Phil CD-ROMs   •   Karaoke   •   Books   •   Unique Items
Pinoy Food   •   Pinoy T-Shirts   •   La Flor de la Isabela/Tabaqueria Cigars   •   Personal Care   •  
Policies  •   Privacy  •   Safe Shopping Guarantee  •   Cart  •   Check Out  •   Write to Webmaster  •   Contact Details

Online since December 28, 1998
Copyright and disclaimers © 1998- KabayanCentral.com

All rights reserved. The World's Filipino Store