Mga Tinig Mula Sa Ibaba: Kasaysayan Ng Partido Komunista Ng Pilipinas At Partido Sosyalista Ng Pilipinas Sa Awit, 1930-1955
| Category | Political Science |
| Publisher | UP Press |
| Author | Maceda |
| | Teresita |
| Pages | 554 pp. |
| Dimension | 7x10, 1160g |
| Copyright | 1996 |
| Price | US$ 40.95 | | | Bookpaper ISBN9715420915 |
Ang librong ito ay pagbigay-tinig sa mga piniping bahagi ng kasaysayan ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), Partido Sosialista ng Pilipinas (PSP) at ng mga kilusang HUKBALAHAP at Hukbong Mapaglaya ng Bayan na tinatag ng pinagsanib na PKP at HMB. Tinangkang bakasin muli ang landas ng pakikibakang tinahak ng libu-libong manggagawa at magbubukid sa pamamagitan ng mga awit at "pulang pasyon" na kanilang nilikha at inaruga. Tiningnan ang pagtagni-tagni ng mga awit sa taong 1930 hanggang 1955 upang makuha ang mga hibla at salu-salungat na mga tinig na nagdurugtong sa mga patlang ng kasaysayan. Awit ang paraan ng mga ordinaryong kasapi sa "pagsulat" ng kasaysayan. Tinuring nila itong kanilang talambuhay, tagapagmulat, tagadilig ng prinsipyo. Sa pamamagitan ng awit, naipahayag nila ang kanilang sariling pananaw sa mga pagkilos na isinagawa, ang mga materyal na kondisyon na pumwersa sa kanila upang mag-organisa, kumilos at mag-armas, ang mapapait na karanasan at pagpakasakit para maitubos ng mga anak ng bayan ang gintong "katimawaan" (kalayaan) ng Inang Bayan, ang kanilang bisyon ng makatwiran at pantay-pantay na lipunan. Sa pamamagitan ng librong ito, maririnig natin sa wakas ang mga tinig na nagmumula sa ibaba, mga tinig na humihingi ng pagtuwid ng kasaysayan.
Propesor si Teresita Gimenez Maceda sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, U.P. Diliman. Natamo niya ang kanyang Ph.D. Philippine Studies noong 1990. Para sa kanyang mga nagawang saliksik sa kultura at pakikibaka, panitikang Cebuano, isyu ng pambansang wika, atbp., natanggap niya ang Gawad Chanselor para sa Pinakamahusay na Mananaliksik noong 1995. Siya ang unang Direktor ng U.P. Sentro ng Wikang Filipino (1989-1993) at isa sa mga unang nahirang na Komisyuner ng Komisyon ng Wikang Filipino. (1992-1995)
Still can't find the book you want?
If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order.
If it exists, we will find it!
|