| Category | Literature | |
| Filipino | ||
| Publisher | UP Press | |
| Author | Domingo Landicho | |
| Pages | 194 pp. | |
| Dimension | 6x9, 320g | |
| Copyright | 1996 | |
| Price | US$ 9.95 | |
| Bookpaper ISBN9715421083 | ||
Ang nobela ay isang pagsasabuhay sa kasaysayan ng pag-ibig, buhay at pananalig. Bagama't ang balangkas ng nobela ay tungkol sa isang trahedya ng pag-ibig at himagsik sa dogmatismo, ang nakapaloob na diwa ng kasaysayan ay ang pagbabalik-tanaw at pagsusuri sa ispiritwalidad ng tao. Tumakas si Emmanuel sa ngalan ng laya at pag-ibig at ang korona ng ganitong paghahanap ay ang pagkakatuklas sa gayuma ng trahedyang lumagom sa kanya. Sinisikap ng nobela na itampok sa salaysay ng pilosopiya at kasaysayan ng pananampalatayang Pilipino at buksan ang ubod ng ispiritwalidad at pananaw ng lahi. Sa naratibong istruktura papanaw si Emmanuel nguni't pagkalipas ng maraming taon, babalik ang bagong Immanwel para ipagpatuloy ang isang ispiritwal na paglalakbay.
Premyadong manunulat, awtor ng 25 aklat ng tula, maikling kuwento, dula, literaturang pambata, talambuhay at mga aklat pampaaralan, si Domingo G. Landicho ay maituturing na isa sa pinakaaktibo at mabungang manunulat ng Malikhaing Pagsulat at Panitikan sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagtapos siya ng Ph.D. sa Pilipinolohiya sa UP. Isa rin siyang artista sa tanghalan, telebisyon at pelikula, brodkaster sa radyo, kolumnista at isang Execom Member ng National Commission for Culture and the Arts. Nakapaglakbay na siya sa iba't ibang bansa bilang isang manunulat. Kasal siya kay Edna May Obien, isa ring manunulat, artista at propesor. May apat silang anak na lahat ay kasangkot sa larangan ng musika, tanghalan, pagsulat at sining biswal. Isinilang noong Agosto 4, 1939, anak ng isang magsasaka.
Quick Jump:
by Author •
by Publisher •
by Category
Still can't find the book you want?
If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order.
If it exists, we will find it!

