Ako'y Pilipina At Iba Pang Akda
| Category | Literature |
| Publisher | UP Press |
| Author | Agoncillo |
| | Anacleta Villacorta |
| Pages | 210 pp. |
| Dimension | 5x8, 310g |
| Copyright | 1997 |
| Price | US$ 24.95 | | | Bookpaper ISBN9715421393 |
Ipinanganak si Anacleta T. Villacorta-Agoncillo sa Caniogan, Calumpit, Bulacan nuong ika-12 ng Setyembre, 1913. Ang kanyang ina ay si Vicenta V. Torres na taga Calumpit, Bulacan at ang ama ay si Severo R. Villacorta na taga Maycauayan, Bulacan. Sa Calumpit Elementary School siya nag-aral hanggang ikapitong grado at sa Manila North High School (na ngayon ay Arellano) nag-aral at nagtapos ng mataas na paaralan. Maliit pa lamang siya'y mahilig nang magbasa ng mga kuwentong Tagalog na nakalathala sa Liwayway, Alitaptap at Sampaguita. Palibhasa'y siya lamang ang nabuhay sa tatlong magkakapatid kaya nag-iisa siyang namulat sa pagiging malikhain. Dahil dito'y sumibol ang kanyang pag-ibig sa pagsusulat ng tula. Sa U.P. College of Medicine siya nag-aral at nagtapos ng Medisina nuong 1939. Habang nag-aaral s U.P. ay nagsusulat siya ng tula ns ipinadadala niya sa Philipine Collegian, ang pahayagan ng Unibersidad ng Pilipinas. Sa pahayagang ito Vernacular Editor si Teodoro A. Agoncillo na nag-aaral naman ng pilosopiya. Dito nagsimula ang kanilang mabuting pagkikilala na humantong sa pag-iibigan. Nagsagutan sila sa pamamagitan ng mga tula at nagtago sa mga pangalang "Violeta Alba" at "Nestor Amorsolo." Nagsulat din siya ng maiikling kuwento na ipinadadala naman niya sa lingguhang Liwayway, Sampaguita at Alitaptap.
Still can't find the book you want?
If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order.
If it exists, we will find it!
|