| Category | Literature | |
| Filipino | ||
| Publisher | UP Press | |
| Author | B.S. Medina Jr. | |
| Pages | 262 p. | |
| Dimension | 6x9, 410g | |
| Copyright | 1997 | |
| Price | US$ 12.95 | |
| Bookpaper ISBN9715421431 | ||
Kasaysayan ng isang paglalakbay. Ng pagdukwang sa agwat ng pinaglakahan at pag-unlad. Ng pagpapasya: o pag-ibig o poot. (Sa pagitan niyon, ano mayroon?) Kasaysayan ng paglalakbay sa pagitan ng pag-ibig at poot. Saan hahangga ang paglalakbay ng iyon?
Kasaysayan ng isang manlalakbay - anak, magulang; tagautos, tagasunod; tagapagyaman, tagapawi: Tao. Saan siya hahantong? Narinig na niya: "Iisa lang ang langit, ang langit ng katubusan. May langit ang bawat isa." Nananalig siya. Kasaysayan ni Absalom Segundo. Ng kanyang sinundan. Ng kanyang kasunod. Ng sinuman.
Si B.S. Medina, Jr. ang National Fellow for Fiction ng U.P. Creative writing Center para sa 1995-1996. Iniluklok sa Palanca Hall of Fame noong 1995 at tumanggap buhat sa Thailand ng South East Asia Writer (SEAWrite) Award noong 1994, awtor si Medina ng maraming aklat ng kathambuhay at kritika sa Tagalog at Ingles, kabilang ang Tao sa Kwadro (1996) at Fifties (1994). Tinipon ang ilang piling katha niya sa The B.S. Medina, Jr. Reader (1997). Valderrama Professor of the Humanities sa De La Salle University College of Liberal Arts na pinaglingkuran niya bilang direktor ng gradwadong pag-aaral (1990-1996), nagtuturo si Medina ng Literatura, Retorika, at Malikhaing Pagsulat sa Filipino at sa Ingles.
Quick Jump:
by Author •
by Publisher •
by Category
Still can't find the book you want?
If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order.
If it exists, we will find it!

