Apat Na Dula
| Category | Literature |
| Publisher | UP Press |
| Author | Villanueva Rene O. |
| Pages | 204 pp., 350g |
| Dimension | 6x9 |
| Copyright | |
| Price | US$ 25.95 | | | Bookpaper ISBN971542158X |
Ang Apat na Dula ay kalipunan ng mga piling dula ni Rene O. Villanueva. Binubuo ito ng "Hiblang Abo: Tatlong Yugtong Dramatisasyon ng Poot at Kamatayan," Ikalawang Gantimpala sa 1980 CCP Playwriting Contest; ng "Sigwa:Elehiyang May Dalawang Yugto," Unang Gantimpala sa 1984 Carlos Palanca Memorial Awards; ng "Botong," na kinomisyon ng CCP Coordinating Council for Dramatic Arts nuong 1988 at nagwagi ng ikatlong gantimpala sa Filipino Division, Full-length Play Category ng 1989 Carlos Palanca Memorial Awards for Literature; at ng "Kalantiaw: Kagila-gilalas na Kasinungalingan Tungkol sa Isang Kayumangging Bayan," na kinomisyon ng CCP para sa Philippine Festival of Arts and Culture sa Paris, France nuong 1994 at nagwagi ng Unang Gantimpala sa Filipino Division, Full-length Play Category ng 1994 Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.
Si Rene O. Villanueva ay kasalukuyang Creative Director ng Philippine Children's Television Foundation, Inc. at Managing Editor ng Filmag. Noong 1993, kinilala siya bilang isa sa The Outstanding Young Persons of the World (TOYP) para sa Cultural Achievement. Kabilang din siya sa 1989 Ten Outstanding Young Men of the Philippines (TOYM) para sa literatura. Napabilang si Villanueva sa Carlos Palanca Memorial Awards Hall of Fame noong 1995. Nanalo na rin siya ng mga pambansang timpalak panliteratura, gaya ng Cultural Center of the Philippines Playwriting contest, CCP Literary Grants at Palihang Aurelio Tolentino Drama Competition. Tinanggap niya ang 1993 Gantimpalang Quezon sa Panitikan mula sa pamahalaan ng Quezon City. Tagapagtatag siya ng TELON Playwrights Circle; dating pangulo ng Galian sa Arte at Tula (GAT); at tagapayo ng PETA Writers' Bloc. Nagtuturo siya ng literatura at malikhaing pagsulat sa University of the Philippines.
Still can't find the book you want?
If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order.
If it exists, we will find it!
|