The World's Tagalog Movies and Filipino Music Store


  •  by Author
  •  by Publisher
  •  by Category

We accept Visa, Mastercard, American Express, JCB and Discover credit cards

Una Kong Milenyum, 1963-1981
Una Kong Milenyum, 1963-1981
Category Literature
Publisher UP Press
Author Virgilio S. Almario
Pages 388pp
Dimension 6x9, 610g
Copyright 1998
Price US$ 17.95
  Bookpaper ISBN9715421806

Ang mga tulang kabilang sa aklat na ito ay lumabas na sa kabuuang siyam na aklat ni Rio Alma. Kalipunan ito ng kanyang mga tula, nakaayos sang-ayon sa petsa ng pagkasulat, mula nuong siya'y isang kabataang estudyante sa unibersidad hanggang siya'y maging isang ganap at iginagalang na makata, kritiko, at propesor ng panitikan. Marahil sa unang pagkakataon ay masasaksihan, o di kaya'y mapag-aaralan, ang simula, pag-unlad at pagyabong ng kanyang mga likha.

Matutunghayan dito hindi lamang ang kagila-gilalas na sipag at dedikasyon ni Rio Alma bilang makata, kundi maging ang lawak ng kanyang karanasan at guniguni, ang lawig ng kanyang pamamaraan at bokabularyo, ang lalim ng kanyang talino at pang-unawa, at ang tayog ng kanyang paninindigan at mithiin. Kinailangang hatiin ang koleksiyon sa dalawang tomo dahil sa napakarami ng mga tula, na hindi basta mga tula: halos lahat ay nawisikan ng kislap.

Sa mga pananalita ni Mike L. Bigornia, si Virgilio Almario, na kilala rin sa pangalang Rio Alma bilang isang makata, ay "parang isang pinagpalang anak na pinamanahan ng isang pirasong bukid, ilang sala-salang pilapil at malulusog na pinitak na walang sawa naman niyang binubungkal upang lumitaw ang yaman ng lupa. Sa kasalukuyang siglo, si Batute lamang ang maaari niyang maging katapat sa kadakilaan."

Kritiko rin si Virgilio S. Almario. Kinilala na ang talino niya bilang manunulat sa pamamagitan ng mga gawad at premyong pampanitikan, kabilang ang Ten Outstanding Young Men nuong 1983, Southeast Asia Writer Award (Iginawad sa Bangkok, Thailand, 1989), at Gawad Patnubay ng Sining at Kalinangan, 1992. Tatlong ulit siyang nahalal na chairman (1986-1992) at kasalukuyang chairman emeritus ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL); pundador at secretary-general ng Philippine Board on Books for Young People (PBBY); at naging editor ng iba't ibang libro at pahayagan. Kasalukuyan siyang executive director ng Children's Communication Center; komisyoner ng UNESCO Philippines; pabliser ng Filipino Magazin at guro ng panitikan sa U.P. Diliman.

( US$ 17.95 Bookpaper )
Shipping

Quick Jump:
by Author   •   by Publisher   •   by Category

Search KC Book Section

Still can't find the book you want? If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order. If it exists, we will find it!
 



  Flag Counter
 

eCensus
Order copies of your Philippine birth certificate, marriage certificate or CENOMAR online!

 

Philippine Cigars Webstore
The finest Philippine blends
La Flor de la Isabela-Tabacalera Cigars:
Highly rated by Smoke magazine.

www.philippinesbestcigars.com

Baguio: The coolest place in the Phils
Baguio Tour

If you havent been to Baguio in the past 5 years, now is the best time to go!

www.haggiyo-mountain-tours.com

Food Delivery Service

Send HOT FOOD to your Family & Friends in the Philippines!
www.e-Kain.com

Travelling To The Philippines?
Asia Travel

Discounted rates online hotel booking
AsiaTravel.com
top up philippine mobile subscribers

 
 

 
 
QUICK INDEX:
Vintage B&W Tagalog Movies   •   Filipino Videos   •   OPM Music   •   Music/Concert Videos   •   Children's Videos
Educational Videos   •   Documentary Videos   •   Livelihood Videos   •   Phil CD-ROMs   •   Karaoke   •   Books   •   Unique Items
Pinoy Food   •   Pinoy T-Shirts   •   La Flor de la Isabela/Tabaqueria Cigars   •   Personal Care   •  
Policies  •   Privacy  •   Safe Shopping Guarantee  •   Cart  •   Check Out  •   Write to Webmaster  •   Contact Details

Online since December 28, 1998
Copyright and disclaimers © 1998- KabayanCentral.com

All rights reserved. The World's Filipino Store