Ang Inyong Lingkod: Gloria Romero (dulang Pangradyo 1959-1960)
| Category | Biography |
| Publisher | UP Press |
| Author | Matute |
| | Genoveva E. |
| Pages | 448 pp. |
| Dimension | 6x9, 750g |
| Copyright | 1998 |
| Price | US$ 35.95 | | | Bookpaper ISBN9715421903 |
Bukod sa mga kinagiliwan noon sa radyo na "Gulong ng Palad" ni Linaflor Trinidad, "Ilaw ng Tahanan" ni Liwayway Arceo, at "Aklat ng Pag-ibig" ni Genoveva Edroza-Matute, naisip ng ilang tagapagtaguyod ang pagsasadula sa himpapawid ng mga akdang batay sa mga salawikaing Pilipino. Iyon ang nagluwal sa "Ang Inyong Lingkod, Gloria Romero" ni Genoveva Edroza-Matute. Pumili ang may-akda ng mga salawikaing naglalaman ng mga karaniwang talimsik o pilosopiya ng mga karaniwang tao at humabi siya ng maiikling dulang pangradyo na nagpapalutang sa mga naturang salawikain. Napagpasyahan na anyayahang manguna sa palabas si Gloria Romero. Nang panahong iyon, itinanghal na pangunahing bituin ng puting-tabing si Gloria Romero hindi lamang sa angkin niyang kagandahan at katalinuhan kundi dahil din sa walang kabatik-batik niyang pangalan sa publiko at pribado niyang buhay.
Si Genoveva Edroza-Matute ay manunulat ng maiikling kuwento, sanaysay, artikulo, at mga araling-pampaaralan. Ilan sa mga karangalang kanyang nakamit ang mga sumusunod: tatlong unang gantimpala at isang pangatlo sa maikling katha sa Palanca, Outstanding Awardee for the Field of Creative Writing, Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas, Gawad CCP sa Sining, at Republic Literary Award. Sa gulang niya ngayong 81, pinuno siya ng Children's Books Division ng REX Publications. Kasal siya kay Epifanio G. Matute, scriptwriter ng Dramatic Philippines na nagsa-radyo, tanghalan, pelikula at telebisyon ng tanyag na "," serye ng mga dulang satiriko.
Still can't find the book you want?
If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order.
If it exists, we will find it!
|