The World's Tagalog Movies and Filipino Music Store


  •  by Author
  •  by Publisher
  •  by Category

We accept Visa, Mastercard, American Express, JCB and Discover credit cards

Sa Labas Ng Parlor
Sa Labas Ng Parlor
Category Literature
 Filipino
Publisher UP Press
Author Honorio Bartolome De Dios
Pages 155 pp.
Dimension 5x8, 200g
Copyright 1998
Price US$ 8.95
  Bookpaper ISBN9715422004

Sa kanyang kalipunan ng mga maiikling katha, seryoso si De Dios sa kanyang pagsisikap na ipahayag at ipaunawa sa lipunang heterosexual ang partikular na kalagayan ng mga Filipinong bakla. Sa bawat kuwento ay hindi lamang ang problema ng bakla sa sarili ang pinoproblema ng bawat tauhan: laging kaugnay ito ng lipunan na siyang kinalalagyan at kinakaharap ng problema.

Ang Sa Labas ng Parlor ay kinatatampukan ng mga kuwentong tulad ng "Atseng," isang kuwento kung paanong naunawaan ng musmos na si Ato ang karahasan ng pinsang lalaki sa kanya at kay Atseng; "Lalaki," tungkol sa pag-aaklas laban sa patriyarkal na mundo sa isang karahasang maituturing na makatwirang paghihiganti; at "Geyluv," tungkol sa kung paano lakas-loob na inarok ng isang straight na lalaki ang pinakapusod ng katauhan ng isang bakla. Walang pag-aalinlangan na ang simpatiya ng awtor ay nasa tatag at ganda ng tagdang kinawawagaywayan ng bandila ng kabaklaan.

Maagang namulat si Honorio Bartolome De Dios sa makulay at madilim, masaya at malungkot, magulo at mapag-isang mundo ng mga bakla. Mula sa Marilao, Bulacan, lumuwas siya sa Maynila at bilang seminarista ay nag-aral ng sociology at nakilahok sa mga gawaing pangmasa. Na-involve siya sa development work sa loob ng sampung taon. Ngunit hindi lang sa mga ito siya naging abala. Sa mabangis na lungsod, ginalugad din niya ang mga suloksulok ng kabaklaan upang hanapin ang kanyang natatanging lugar sa lipunan. Ilang beses din siyang napaluhod, nadapa, at napasubsob sa kanyang paghahanap. Ngunit sa tuwina, bumabangon siya na may panibagong lakas at determinasyon.

Sa ngayon patuloy pa rin ang kanyang paghahanap at ang pinagyayamang karanasan ang ginagamit niyang panulat upang lumikha ng mga kuwentong sumasalamin sa buhay ng mga bakla sa isang lipunang may kinikilingan, mapagsamantala, walang pagkakapantay-pantay, pyudal, at patriyarkal.

( US$ 8.95 Bookpaper )
Shipping

Quick Jump:
by Author   •   by Publisher   •   by Category

Search KC Book Section

Still can't find the book you want? If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order. If it exists, we will find it!
 



  Flag Counter
 

eCensus
Order copies of your Philippine birth certificate, marriage certificate or CENOMAR online!

 

Philippine Cigars Webstore
The finest Philippine blends
La Flor de la Isabela-Tabacalera Cigars:
Highly rated by Smoke magazine.

www.philippinesbestcigars.com

Baguio: The coolest place in the Phils
Baguio Tour

If you havent been to Baguio in the past 5 years, now is the best time to go!

www.haggiyo-mountain-tours.com

Food Delivery Service

Send HOT FOOD to your Family & Friends in the Philippines!
www.e-Kain.com

Travelling To The Philippines?
Asia Travel

Discounted rates online hotel booking
AsiaTravel.com
top up philippine mobile subscribers

 
 

 
 
QUICK INDEX:
Vintage B&W Tagalog Movies   •   Filipino Videos   •   OPM Music   •   Music/Concert Videos   •   Children's Videos
Educational Videos   •   Documentary Videos   •   Livelihood Videos   •   Phil CD-ROMs   •   Karaoke   •   Books   •   Unique Items
Pinoy Food   •   Pinoy T-Shirts   •   La Flor de la Isabela/Tabaqueria Cigars   •   Personal Care   •  
Policies  •   Privacy  •   Safe Shopping Guarantee  •   Cart  •   Check Out  •   Write to Webmaster  •   Contact Details

Online since December 28, 1998
Copyright and disclaimers © 1998- KabayanCentral.com

All rights reserved. The World's Filipino Store