| Category | History | |
| Filipino | ||
| Publisher | UP Press | |
| Author | Rogelio Ordoρez | |
| Pages | 265 pp. | |
| Dimension | 5x8 in., 320g | |
| Copyright | 1998 | |
| Price | US$ 12.95 | |
| Bookpaper ISBN9715422039 | ||
Sa kauna-unahang aklat na ito ng kalipunan ng mga akda ni Rogelio Ordoρez, pinagsama-sama ang iba't ibang putahe ng literatura: kwento, sanaysay, tula at dula-mga obrang gigising sa kamulatan ng mga mambabasa hinggil sa ating lipunan.
Kabilang sa mga pinapaksa rito ang paglalantad sa penomeno ng neokolonyalismo pagkaraan ng panahon ng direktang pananakop, ang miserableng kalagayan ng mga manggagawa't magsasaka, ang patuloy na pag-iral ng kapangyarihan ng Simbahan, at ang panahon ng aktibismo na nagtaguyod sa hindi-pa-tapos na Rebolusyong Pilipino.
Si Rogelio L. Ordonez ay may civil engineering degree mula sa MLQU, pero sa halip na magtayo ng mga lansangan, ang propesyon ng pagtuturo at pagsusulat ang pinagbuhusan niya ng kanyang panahon at talino.
Sa pamamagitan ng kanyang panulat, sabi niya, ay makalilikha siya ng tulay, makapangyarihang tulay na hindi lamang uugnay kundi tatagos sa puso't isip at maging sa kaluluwa ng masang mambabasa. At sa tulong ng kanyang mga akda, makapaghahawan naman siya ng mga landas ng ugnayan at pagkakaisa ng mga komunidad ng sambayanan para sa sarili nilang kapangyarihan.
Marami sa kanyang mga kuwento, tula, at sanaysay ang nalathala sa iba't ibang malalaganap na babasahin at nakasama na rin sa isinaaklat na iba't ibang antolohiya. Kasalukuyan siyang propesor ng malikhaing pagsulat at pamamahayag sa PUP; direktor ng Institute of Labor and Industrial Research; tagapangulo ng Pambansang Linangan at Ugnayan ng mga Manunulat (PLUMA); at direktor ng Philippine Writers Academy.
Quick Jump:
by Author
by Publisher
by Category
Still can't find the book you want?
If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order.
If it exists, we will find it!

