2 (dalawa)
| Category | Literature |
| Publisher | UP Press |
| Author | Arceo |
| | Liwayway A. |
| | Manuel P. Bautista. |
| Pages | 224 pp. |
| Dimension | 5x8, 330g |
| Copyright | 1998 |
| Price | US$ 25.95 | | | Bookpaper ISBN9715422063 |
Dalawang aklat sa isa: mga tula at sanaysay na pawang nalathala sa pang-araw-araw na Isyu (1995-1996). Ito ang 2 (Dalawa) - mula sa dalawang premyadong manunulat na kapwa kolumnista sa nasabing pahayagan at ipinagmamalaki ang mayabong at malalim na mga ugat sa Tundo, Maynila.
Si Manuel Principe Bautista (1919-1996) at si Liwayway A. Arceo ay magkatuwang din sa buhay, at bago yumao si MPB ay ipinagdiwang nila ang kanilang Gintong Anibersaryo ng Kasal (31 Enero 1996). Si MPB, na higit na kilala sa pagiging makata, ay may nauna nang katipunan ng kanyang mga piling tula, Himig ng Sinag (1997). Samantala, si LAA, na malikhaing manunulat at may anim nang aklat ng maikling katha at ilan nang nobela, ay ito ang unang koleksiyon ng sanaysay. Ang pagsusulat (mula noong 1935) ay bahagi lamang ng buhay ni MPB: 45 taon siyang kabilang sa isang bangko ng pamahalaan, una ay nagsilbi bilang karaniwang kawani hanggang maging pinuno. Ang pagsusulat ay buong buhay ni LAA: 57 taon na siyang aktibong propesyonal na manunulat, bukod sa pagiging editor.
Still can't find the book you want?
If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order.
If it exists, we will find it!
|