| Category | Culture | |
| Publisher | UP Press | |
| Author | Rolando B. Tolentino | |
| Pages | 242 pp. | |
| Dimension | 6x9 | |
| Copyright | 2001 | |
| Price | US$ 22.95 | |
| Bookpaper ISBN9715423183 | ||
Naririto tayo sa edad ng kulturang popular, kulturang ipinagpalaganap ng negosyo at estado at tinatangkilik ng maraming sektor ng lipunan. Ito ang kasaysayan ng kasalukuyan na nagaganap sa pang-araw-araw. Paano tayo manamit, umibig, ngumiti, ang tabas ng ating buhok, ang gamit nating deodorant at skin whitener, magtext at magmall-- paano tayo nagkakaroon ng pagkatao? Itinuturo at itinatanghal ito. Walang ibang panahon sa kasaysayan na ang kulturang popular ay may malaganapan at malalimang sakop sa ating pagkatao kung hindi sa ngayon. Tinatalakay ng mga sanaysay ang mga pagsusuri hingil sa politika ng kulturang popular. Kabilang sa mga sinusuri ay ang mall at malling, droga, disaster, panitikan, vernakular, Birhen ng Penafrancia, skin whitener, kabataang subkultura, retro fashion at computer games. Ang hamon ay ang pagkakaroon ng Kritikal na pagtingin sa practices ng pagtangkilik at produksyon sa pang-araw-araw na buhay. Ang titulo ng pag-aaral ay halaw sa linyang binitiwan ni Florante sa kanyang pagkatali sa puno sa madilim, mapanglaw na gubat. Ang mga sanaysay ay pag-aaral sa kaliluhang nagaganap sa loob at labas ng kulturang popular --tulad ng mall-- na ating tinatangkilik at nagdudulot sa atin ng maraming kasiyahan at kasawian.
Quick Jump:
by Author •
by Publisher •
by Category
Still can't find the book you want?
If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order.
If it exists, we will find it!

