The World's Tagalog Movies and Filipino Music Store


  •  by Author
  •  by Publisher
  •  by Category

We accept Visa, Mastercard, American Express, JCB and Discover credit cards

Ka Amado
Ka Amado
Category Filipino
 Literature
 Fiction
Publisher UP Press
Author Jun Cruz Reyes
Pages 424 pp.
Dimension 6 x 9, 610g
Copyright 2012
Price US$ 42.95
 Bookpaper ISBN9715426855

Sa kanyang bagong akdang ito, hangad ni Jun Cruz Reyes na ilahad ang ipinapalagay niyang “bagong epiko” ng bansang Pilipinas sa anyo ng isang biograpiya ni Ka Amado. Nilayon din ni Reyes na mabasa ang akdang ito, hindi lamang ng mga akademiko at espesyalista ng panitikan na kakaunti lamang talaga ang bilang, kundi ng mga karaniwang mamamayan na siya ring pinag-alayan ni Ka Amado ng kanyang sariling buhay at panulat. Gayumpama’y hindi lamang matutunton dito ang “makabagong epiko” ng ating bansa tulad ng ipinapalagay ni Reyes. Taliwas sa inaasahan, lumilitaw rin ito bilang mapa ng mayaman at malikot na kaisipan at pilosopiya ng nag-akda mismo nitong biograpiya. May mala-nobelang teknika rin na ginagamit sa pagsasalaysay ng naratibong paralel sa sariling mga karanasan bilang manunulat sa panahon ng malupit na kontra-insurhensyang Oplan Bantay Laya ni Reyes at ng mga naganap sa buhay ni Ka Amado. Sumusulpot din paminsan-minsan sa gitna ng naratibo ang ilang matalas at masisteng pamumuna ni Reyes hinggil sa kasalukuyang establisimiyentong pampanitikan. Pinapasok ng akdang ito ang maraming komplikadong usapin hinggil sa pagbubuo ng naaangkop na pagkabalangkas ng pambansang panitikan, poetika, at ng teoryang pampanitikan…. Tulad ng lahat ng matagumpay na obra ni Reyes, nakasulat ang biograpiyang ito sa isang magaan at kaiga-igayang paraan na minsa’y ironikal at madalas masiste. -- Dr. Ramon G. Guillermo

Sabi ng mga kritiko, binago at itinaas ni JUN CRUZ REYES ang pagkukuwento sa Pilipinas. Nagwagi sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ang kanyang unang kuwento (Isang Lumang Kuwento) noong 1973, grand prize (co-winner) ang unang nobela (Tutubi, Tutubi … Huwag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe) noong 1981, at noong 1986 sabay-sabay na nanalo sa maikling kuwento, sanaysay, at tula. Labing-isa sa kabuuan ang kanyang panalo rito mula 1973 hanggang 1986 kung kailan siya huling sumali sa Palanca. Nanalo ang kanyang unang libro, ang Utos ng Hari at Iba Pang Kuwento, sa National Book Awards ng Manila Critics’ Circle noong 1982 at nanalo ng dalawa pa para sa Tutubi, Tutubi … (1987) at Etsa-Puwera (2001).

( US$ 42.95 Bookpaper )
Shipping

Quick Jump:
by Author   •   by Publisher   •   by Category

Search KC Book Section

Still can't find the book you want? If the book you want is not yet listed in our online catalog, write us now about your special order. If it exists, we will find it!
 



  Flag Counter
 

eCensus
Order copies of your Philippine birth certificate, marriage certificate or CENOMAR online!

 

Philippine Cigars Webstore
The finest Philippine blends
La Flor de la Isabela-Tabacalera Cigars:
Highly rated by Smoke magazine.

www.philippinesbestcigars.com

Baguio: The coolest place in the Phils
Baguio Tour

If you havent been to Baguio in the past 5 years, now is the best time to go!

www.haggiyo-mountain-tours.com

Food Delivery Service

Send HOT FOOD to your Family & Friends in the Philippines!
www.e-Kain.com

Travelling To The Philippines?
Asia Travel

Discounted rates online hotel booking
AsiaTravel.com
top up philippine mobile subscribers

 
 

 
 
QUICK INDEX:
Vintage B&W Tagalog Movies   •   Filipino Videos   •   OPM Music   •   Music/Concert Videos   •   Children's Videos
Educational Videos   •   Documentary Videos   •   Livelihood Videos   •   Phil CD-ROMs   •   Karaoke   •   Books   •   Unique Items
Pinoy Food   •   Pinoy T-Shirts   •   La Flor de la Isabela/Tabaqueria Cigars   •   Personal Care   •  
Policies  •   Privacy  •   Safe Shopping Guarantee  •   Cart  •   Check Out  •   Write to Webmaster  •   Contact Details

Online since December 28, 1998
Copyright and disclaimers © 1998- KabayanCentral.com

All rights reserved. The World's Filipino Store