Ligaw Na Kapalaran DVD

Ligaw Na Kapalaran DVD

$9.99Price

Artists: Myra Manibog, Verna Vargas, Shirley Tesoro, Gino Antonio, Raul Aragon, Myrna Castillo

Magkapatid sa ina sina Fe (Myra Manibog), Agnes (Shirley Tesoro), Elena (Myrna Castillo) at Celia (Verna Vargas).

Nang makulong ang kanilang ama, buong tatag na itinaguyod ng kanilang inang si Aguida (Anita Linda) ang pamilya.

Sinikap niyang maging buo ito kahit hirap at salat sa pera.

Ngunit sadya yatang mapagkait ang kapalaran.

Ginigipit si Aling Aguida ni Mr. Villamor (Raul Aragon) ang panginoong may-ari ng lupang tinitirikan ng kanilang bahay.

Dahil sa gipit na halos walang makain ang pamilya ay pinaubaya ang anak na si Fe na mamasukan bilang katulong kila Mr. Villamor bagaman alam na nila ang balakin nito.

Si Elena naman ay may sariling problema sa buhay nya ang kanyang asawang nasa gitnang silangan ay di man lang siya maalala o padalan ng perang pambili man lang ng gatas ng kanyang anak.

At si Agnes, sa awa sa kapatid ay gumawa ng paraan upang matulungan ang kapatid.

Hinimok si Agnes ng boyfriend niyang oportunista na ibilad ang katawan sa isang photographer.

Paano kaya malulusutan ng pamilya ang pagsubog nito sa buhay?

Kakapit kaya sila sa patalim upang mabuhay?

O aatakahin ang kanilang katinuan dulot ng gutom at problema.

-
00:00 / 00:00

1998-2020 KabayanCentral.com 

The World's Filipino Store

Over 20 YEARS Online