Walang Hanggan Teleserye Vols.1-9 DVD

$29.99Price

Artists: Coco Martin, Julia Montes, Richard Gomez, Dawn Zulueta, Susan Roces, Helen Gamboa

Magkakaroon ng relasyon ang anak ng haciendero na si MARCO (Richard Gomez) at anak ng trabahador na si EMILY (Dawn Zulueta). Tutol ang ina ni MARCO na si MARGARET (Helen Gamboa) dahil para sa kanya, isang babae lang ang nararapat kay Marco, at ito ay ang mayaman at anak ng mayari ng banko na si JANE (Rita Avila).Gagawa ng paraan si Margaret para masira ang relasyon ni Marco at Emily, dahilan upang magkagalit sila ng kapatid niyang si VIRGINA (Susan Roces) at putulin ang ugnayan nilang magkapatid.Dahil sa kagagawan ni Margaret, namatay ang ama ni Emily at nakulong si Emily. Makakasal si Marco kay Jane at susumpa si Emily na balang araw, gagantihan niya sina Marco at Margaret at papantayan ang yaman nito.Lumipas ang maraming taon, nabiyayaan ng dalawang anak si Marco at si Jane – si Johanna (Melissa Ricks) at Nathaniel (Paulo Avelino). Magiging malapit ang pamilya ni Marco sa bagong lipat na pamilya na nakatira sa kabilang hacienda, si William at sa mga anak nitong si Tomas (Joem Bascon) at Katerina (Julia Montes).May palaboy na kukupkupin si William at dadalhin sa hacienda niya. Ito ay si Daniel (Coco Martin). Habang lumalaki, magiging malapit si Daniel at Katerina. Sa kanilang pagtanda, ang kanilang pagkakaibigan ay mauuwi sa pag-iibigan. Magkakaroon ng relasyon si Daniel at si Katerina at mangangakong mamahalin ang isa't isa hanggang sa dulo ng walang hanggan.Sa pagkamatay ni William, Leo takes over the hacienda at aapihin si Daniel. Tinitiis lahat ni Daniel ang pagaabuso ni Leo dahil hindi niya maiwan si Katerina. Ngunit susubukin ang kanilang pagmamahalan sa pagbalik ni Johanna at Nathaniel.Dahil naghihirap ang pamilya, gusto ni Leo na mapakasal si Katerina kay Nathaniel kaya gagawa siya ng paraan para magkahiwalay si Daniel at Katerina. Bubugbugin ni Leo si Daniel at ihuhulog sa bangin. Aakalain niyang patay na si Daniel pero hindi niya sasabihin kay Katerina. Palalabasin niyang inabandona na ni Daniel si Katerina. Sobrang nasaktan si Katerina kaya papayag itong makasal kay Nathaniel.Ang hindi nila alam, buhay si Daniel at niligtas ito ng isang babaeng matagal na nagmamatyag sa pamilya nila – si Emily. Sa tulong ni Emily, magkakaroon ng bagong buhay si Daniel. Ang hindi niya alam, gagamitin siya ni Emily sa plano nitong paghihiganti sa pamilya ni Marco at Margaret.

 

 

 

    -
    00:00 / 00:00

    1998-2020 KabayanCentral.com 

    The World's Filipino Store

    Over 20 YEARS Online